Home NATIONWIDE Pagbaba ng krimen sa 2026, pananatilihin ng PNP

Pagbaba ng krimen sa 2026, pananatilihin ng PNP

304
0

MANILA, Philippines – Nangako si Acting Philippine National Police Chief Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na palalakasin ang pagpapatupad ng batas sa 2026 upang mapanatili ang pagbaba ng krimen noong nakaraang taon.

Mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2025, bumaba ng 12.4 porsiyento ang mga focus crimes kumpara sa 2024, kabilang ang rape (22.68%), carnapping (20.18%), murder (17.8%), homicide (14.98%), physical injury (13.98%), robbery (11.87%), at theft (4.31%).

“Ang pagbaba ng krimen ay bunga ng tuloy-tuloy at whole-of-government na pagtutulungan. Pinokus namin ang intelligence-driven operations, pinalakas na police visibility, at mas matibay na koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at komunidad,” ani Nartatez.

“Sa 2026, patitibayin pa namin ang mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng bawat Pilipino.”

Binanggit din niya ang mahalagang papel ng publiko at tiniyak na ipagpapatuloy ang data-driven policing, preventive patrols, at mas mabilis na response.

“Mananatili kaming mapagbantay, maagap, at tumutugon. Ang kaligtasan ng publiko ay hindi lamang numero kundi tunay na karanasan ng bawat Pilipino,” dagdag niya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here