Home NATIONWIDE Administrasyon, marami nang nagawa sa ‘unity, open at engaging approach’ – PBBM

Administrasyon, marami nang nagawa sa ‘unity, open at engaging approach’ – PBBM

MANILA, Philippines – MARAMI nang naisakatuparan ang administrasyong Marcos sa kabila ng wala pa itong dalawang taon sa tanggapan.

Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa oathtaking ceremony ng mga bagong miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) sa Diamond Hotel sa Maynila na resulta ito ng “unity, open at engaging approach.”

“Now, if you look at it, we have not yet been in office for two years but in that small time, napakarami na nating nagawa, napakarami na nating naumpisahan,” ayon kay Pangulong Marcos.

“And the reason is that because we have been working together, we have been following the same plan, we have come together, nakipag-ugnayan tayo; ‘Ano bang problema doon sa inyong region, sa iyong probinsya, sa iyong bayan,’ at pinakinggan natin silang lahat hindi lamang ‘yung mga political leader, kung di pati na ang taong bayan, at makinig tayo, ”aniya pa rin.

Nanawagan din ang Pangulo sa mga miyembro ng PFP na patuloy lamang na palakasin ang partido.

Nagpahayag naman ng pag-asa ang Chief Executive na susuportahan ng mga mamamayan ang PFP sa halalan sa susunod na taon dahil “maliwanag na maliwanag na ang taong-bayan dito sa Pilipinas ay talagang sinasabi maganda itong ginagawa natin na sabay-sabay tayong tumutulong.”

Iyon aniya ang dahilan kung bakit sinusubukan ng administrasyon na makauugnay ang lahat ng iba’t ibang paksyon para i-adopt ang adbokasiya ng PFP. Adbokasiya para sa economic development at para sa kapakanan ng mga mamamayang Filipino.

Bukod sa itaguyod ang ekonomiya, ipinaglalaban din ng administrasyon ang soberanya ng bansa sa international scene, na aniya’y “well received” ng mga tao at political leaders. Kris Jose