Home NATIONWIDE Dingras, Ilocos Norte isinailalim sa state of calamity sa El Niño

Dingras, Ilocos Norte isinailalim sa state of calamity sa El Niño

MANILA, Philippines – Idineklara na ang state of calamity sa Dingras, Ilocos Norte dahil sa tumitinding epekto ng El Nino phenomenon.

Ilan sa mga barangay sa naturang bayan ay nakararanas na ng water shortage sa loob ng tatlong linggo, kasabay ng pagkatuyo ng mga balon at poso.

Sa katunayan, ang mga residente ng Barangay Sulquiano ay umaasa na lamang sa tubig sa irigasyon para sa magagamit sa kanilang mga tahanan.

Ayon sa Dingras Municipal Council, 30 percent ng calamity fund ay ilalaan para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.

Kamakailan ay iniulat ng Department of Agriculture na nagtamo na ng P4.39 bilyong halaga ng pinsala ang agricultural sector dahil sa tagtuyot sa malaking bahagi ng bansa.

Nakatutok naman ang Task Force El Niño sa pagtulong sa 85,000 magsasaka at mangingisda na apektado nito. RNT/JGC