Home NATIONWIDE ‘Task Force Ingat Yamang Dagat’ inilunsad ng PCG sa Palawan

‘Task Force Ingat Yamang Dagat’ inilunsad ng PCG sa Palawan

MANILA, Philippines – Matagumpay na nailunsad ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Task Force Ingat Yamang Dagat sa Honda Bay Wharf, Barangay Sta. Lourdes, Puerto Princesa City.

Pinangunahan ni Marine Environmental Protection Command Commander, CG Vice Admiral Roy Echeverria, ang aktibidad ng sabayang coastal clean-up, mangrove planting, “scoop basura,” at waste management information drive.

Bukod sa LGU at iba pang concerned government agencies, suportado rin ng mga private sector stakeholders at kalapit na mga eskuwelahan ang marine environmental protection initiative.

Nagtanim ang mga volunteers ng 300 mangrove propagules sa Purok Asinan at nakakolekta ng mahigit 400 kilos ng non-biodegradable waste materials sa kahabaan ng shoreline sa Purok Honda Bay.

Ayon sa Marine Environmental Protection Force – Palawan, ang nasabing task force ay nilikha upang ayusin, turuan, at itaguyod ang pangangalaga sa kapaligiran sa mga kapwa Pilipino. Jocelyn Tabangcura-Domenden