MANILA, Philippines – SASAILALIM sa “full security vetting” ang mga Afghan nationals na papasok sa Pilipinas para iproseso ang kanilang ‘resettlement’ sa Estados Unidos.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakabuo ng kasunduan ang Pilipinas at Estados Unidos hinggil sa ‘temporary housing’ ng “limited number of Afghan nationals” habang ang US Embassy sa Maynila ay pinro-proseso ang kanilang Special Immigrant Visas (SIVs).
Hinihintay naman ng kasunduan ang ratipikasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bago pa ito maging epektibo.
“All applicants will be subject to full security vetting by Philippine authorities and should secure appropriate entry visa prior to arrival, in accordance with Philippine laws and regulations,”ang sinabi ni DFA spokesperson Ma. Teresita Daza.
“Notwithstanding the possession of a Philippine visa, the Bureau of Immigration retains full authority to exclude any applicant from entry into the Philippines as a result of the standard immigration examination upon arrival in the country,” dagdag na wika nito.
Ang bawat aplikante aniya ay pinahihintulutan na manatili sa Pilipinas ng hindi lalagpas sa 59 araw.
Sa ilalim ng kasunduan kasama ang Estados Unidos, sinabi ng DFA na ang mga aplikante ay dapat na “medically screened already in Afghanistan” at iiwan ang kanilang billet facility “only once” para sa kanilang consular interview sa embahada.
Sasagutin naman ng US government ang ‘living expenses’ ng mga Afghans, kabilang na ang pagkain, pabahay, seguridad, medical at transportasyon, bukod sa iba pa.
Kapuwa naman titiyakin ng US government at International Organization for Migration bilang facility manager, na ang mga aplikante lalo na ang mga bata ay may sapat na ‘social, educational, religious at emotional support’ sa panahon ng kanilang pananatili sa billet facility. Kris Jose