Home NATIONWIDE AFP ‘di magpapabaya sa internal security ops sa kabila ng poll duties

AFP ‘di magpapabaya sa internal security ops sa kabila ng poll duties

MANILA, Philippines – Magpapatuloy ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa internal security operations sa kabila ng tungkulin na tulungan ang Philippine National Police (PNP) sa pagsisiguro ng mapayapang halalan.

“Tuloy-tuloy din po ang ang ISO and yun nga po kung ano pong i-mandate po ng Comelec (Commission on Elections) for us to perform like yung pag-conduct ng checkpoint, pagsecure po ng mga ballots and all that gagampanan po yan ng ating Sandatahang Lakas ng Pilipinas,” pahayag ni AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla sa panayam nitong Linggo ng hapon, Enero 12.

“Kung ano po ang role na pwede pong gampanan ng AFP para po nga ma-assure natin na magiging mapayapa at maayos itong ating eleksyon gagampanan po ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas,” dagdag pa niya.

Nanindigan din si Padilla na ang lahat ng military personnel ay non-partisan.

“We always maintain that the AFP is non-partisan, we trust each member of the AFP that we are a professional and united organization and we will be doing and performing our mandate being a non-partisan organization,” aniya. RNT/JGC