MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang 20-anyos na criminology student nitong Linggo ng gabi, Enero 12 matapos makuhanan ng P7.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu.
Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Central Visayas ang suspek na si “Cali” na naaresto sa operasyon sa Sitio San Vicente, C. Padilla St., Barangay Duljo-Fatima, Cebu City.
Ayon sa PDEA-7, ang suspek na residente ng Sitio Puntod, ay regional-level high-value target na pinanggagalingan ng illegal na droga ng iba pang mga suspek sa probinsya.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. RNT/JGC