Home NATIONWIDE Produktong petrolyo may taas-presyo!

Produktong petrolyo may taas-presyo!

MANILA, Philippines – Mayroon na namang dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo!

Ito na ang dalawang sunod na linggo ng upward adjustments mula nang pumasok ang Bagong Taon.

Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp. na mayroon silang dagdag na P0.80 sa kada litro ng gasolina at kerosene, habang P0.90 naman ang dagdag sa kada litro ng diesel.

Magpapatupad din ng kaparehong dagdag sa presyo ng produktong petrolyo ang Cleanfuel at Petro Gazz.

Ang adjustments ay ipatutupad alas-6 ng umaga ng Martes, Enero 14 sa lahat ng kompanya maliban sa
Cleanfuel na alas-4 ng hapon pa ito ipatutupad sa kaparehong araw. RNT/JGC