Home HOME BANNER STORY AFP: Higit 90 Chinese vessels, na-monitor sa West Philippine Sea

AFP: Higit 90 Chinese vessels, na-monitor sa West Philippine Sea

117
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Armed Forces of the Philippines nitong Martes na nakapagtala ng hindi bababa sa 90 hindi awtorisadong sasakyang pandagat ng China sa West Philippine Sea noong Marso.

Ayon kay Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Roy Vincent Trinidad, naobserbahan ang presensya ng People’s Liberation Army Navy (PLA-N) at China Coast Guard sa iba’t ibang lugar kabilang ang Bajo de Masinloc, Pag-asa Island, Ayungin Shoal, at Escoda Shoal.

Pinakamarami ang naitala sa Bajo de Masinloc na may 49 vessels (17 Chinese Navy at 32 China Coast Guard). Sinundan ito ng Pag-asa Island na may 15 vessels, Ayungin Shoal na may 14, at Escoda Shoal na may 12.

Ayon sa AFP, ang mga aktibidad na ito ay kabilang sa tinatawag nilang ICAD o illegal, coercive, aggressive, and deceptive actions na umano’y lumalabag sa international rules at sumisira sa soberanya ng Pilipinas.

“We will not back down, and we will not be deterred in ensuring that vigilant protection of our maritime domain…” ayon kay Trinidad.

Sa kabuuan, nakapagtala ang militar ng 22,755 sasakyang pandagat na dumaan sa Philippine maritime zones noong Marso 2026. Sa bilang na ito, 19,328 ay foreign-flagged at 3,428 ay domestic vessels.

May 14,990 barko ang sumagot sa radio challenges, habang 7,765 ang hindi sumagot.

Binigyang-diin din ng AFP ang 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration South China Sea ruling na nagsasabing walang legal na basehan ang “nine-dash line” claim ng China at ang ilang bahagi ng West Philippine Sea ay nasa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Gayunman, hindi pa rin kinikilala ng China ang desisyon hanggang sa kasalukuyan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here