Home HOME BANNER STORY AFP: Ressuply mission sa Ayungin matagumpay

AFP: Ressuply mission sa Ayungin matagumpay

MANILA, Philippines- Matagumpay na naisagawa ng Pilipinas ang maritime resupply mission—sa unang pagkakataon ngayong taon—sa mga sundalo sa BRP Sierra Madre sa Ayungin (Second Thomas) Shoal sa West Philippines Sea, ayon sa Armed Forces of the Philippines nitong Biyernes.

Ani Col. Francel Margareth Padilla, tagapagsalita ng AFP, “mission accomplished” umano matapos masuspinde ang resupply mission sa pamamagitang ng dagat noong Jan. 20 at Jan. 21 dahil sa technical problem sa isa sa civilian supply boats.

Nauna nang sinabi ng isang senior military officer, na nag-airdrop ang militar ng mga supply sa BRP Sierra Madre ship matapos maantala ang resupply sa pamamagitan ng pagdaan sa dagat.

“Today (Friday), we executed a flawless rotation and resupply operation for BRP Sierra Madre. Teamwork, precision and dedication at its best,” mensahe ni Padilla.

Nag-post din siya ng pahayag sa kanyang official X account (@AFPspokesperson) subalit kalaunan ay binura ito.

Aniya, ang Philippine resupply vessels ay hindi hinarang ng Chinese ships sa lugar at sinabing walang naganap na “untoward incidents.” RNT/SA