MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) nitong Biyernes na walang bayad ang pag-iisyu ng voter’s certification simula Pebrero 12.
Sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na ang P75 na bayad para sa pag-secure ng dokumento ay aalisin na simula sa Pebrero 12, na idineklara na bilang “National Voter’s Day” o “Pambansang Araw ng mga Botanteng Pilipino” ng Comelec en banc.
“Comelec made this declaration of National Voter’s Day to emphasize the importance of being a registered voter and explain the processes of registration and elections to the Filipino people,” sabi ni Laudiangco.
Ang voter’s certificate ay isang dokumento na maaaring magsilbing pansamantalang ID card ng botante kapag hiniling ng rehistradong botante. Ito ay may bisa ng isang taon mula sa petsa ng issuance nito.
Binanggit ng opisyal na patuloy na matatamasa ng mga kabilang sa vulnerable sector ang nasabing pribilehiyo.
Kasabay nito, inihayag din ni Laudiangco na ang lahat ng tanggapan ng Comelec sa buong bansa ay magkakaroon ng iba’t ibang aktibidad sa Feb.12 upang aliwin ang mga nagparehistro, pukawin ang interes ng kanilang mga nasasakupan upang hikayatin silang magparehistro at ipalaganap ang kamalayan tungkol sa pagpaparehistro ng mga botante.
Bukod sa idineklarang araw bilang National Voter’s Day, ito rin ang pagsisimula ng voter registration period para sa 2025 National and Local Elections (NLE) na tatagal hanggang Setyembre 30. Sa panahon ng rehistrasyon ng mga botante, ang Offices of the Election Officer (OEOs) sa buong bansa ay lalabas upang ilapit ang mga sumunod na venue ang mga mamayang Pilipino.
Offsite/Satellite Registration:na idaraos sa barangays, malls, educational institutions, at iba pang establisyimento
Mall Registration
Register Anywhere Program (RAP): na idaraos naman sa lahat ng Capital Cities and Towns and Highly Urbanized Cities
Special Register Anywhere Program (SRAP): na idaraos sa national government offices at agencies, schools at universities, at iba pang public/private places.