Home METRO HVI tiklo sa P3.8M shabu

HVI tiklo sa P3.8M shabu

CAMP VICENTE LIM, Laguna- Nasamsam ng mga pulis ang shabu na nagkakahalaga ng P3.8 milyon at naaresto ang isang drug pusher sa isang buy-bust operation sa Barangay Santol sa Balayan, Batangas noong Sabado.

Kinilala ni Police Regional Office 4-A chief Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas ang suspek na si Darwin, 27, itinuturing na high-value individual at residente ng Barangay Santol.

Narekober mula kay Darwin ang 14 heat-sealed plastic sachets at limang knot-tied plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 563 gramo at nagkakahalaga ng P3.8 milyon at ang buy-bust money.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Batangas Provincial Forensic Unit ang nakumpiskang shabu upang suriin.

“This significant accomplishment is a testament of our sincere and dedication to eradicate the proliferation of illegal drugs in the region. Hindi titigil ang kapulisan ng PRO 4-A upang masugpo ang kalakalan ng iligal na droga sa rehiyon lalo na sa probinsya ng Batangas, sisiguraduhin natin na mapapanagot ang mga tao sa likod ng malaking halaga ng droga na nakakapasok sa probinsya ng Batangas,” pahayag ni Lucas. 

Nahaharap si Darwin sa drug-related charges. RNT/SA