Home NATIONWIDE Pope Francis bibisita sa Venice

Pope Francis bibisita sa Venice

MANILA, Philippines- Bibisita si Pope Francis sa Linggo sa kanyang kauna-unahang biyahe sa labas ng Roma sa loob ng pitong buwan, na mahigpit na babantayan sa gitna ng mga alalahanin sa mahinang kalusugan ng papa.

Naglibot ang papa sa mundo sa kanyang 11 taon bilang pinuno ng Simbahang Katoliko, ngunit hindi naglakbay mula nang bumisita sa French city ng Marseille noong Setyembre.

Napilitan siyang kanselahin ang isang paglalakbay sa Dubai noong Disyembre, kung saan siya ay nakipag-usap sa UN tungkol sa klima, dahil sa bronchitis.

Sa Venice ang unang hinto ng papa sa isang kulungan ng mga kababaihan sa isla ng Giudecca, kung saan makikita ang pagpasok ng Vatican para sa Biennale festival ng sining ngayong taon.

Sa dating kumbento na ngayon ay tahanan ng mga pangmatagalang bilanggo, si Francis — na matagal nang ipinagtanggol ang mga karapatan ng mga taong marginalized — ay makikipagpulong sa ilan sa 80 bilanggo at bibisita sa eksibisyon.

“It will be a historic moment because he will be the first pope to visit the Venice Biennale,” sabi ni exhibition’s lead curator, Jose Tolentino de Mendonca.

Ang pagbisita ay malinaw umanong nagpapakita ng pagnanais ng Simbahan na pagsamahin ang isang mabunga at malapit na pag-uusap sa mundo ng sining at kultura.

Sinabi ni Chiara Parisi, nagtrabaho rin bilang curator sa proyekto, naghihintay ang mga bilanggo sa pagbisita nang may “malaking pagtataka” at “pag-asa.”

Darating si Francis sakay ng helicopter sa Giudecca sa ganap na alas-8 ng umaga (0600 GMT).

Pagkatapos bisitahin ang bilangguan, magbibigay siya ng talumpati at makikipagkita sa mga kabataan sa Basilica de Santa Maria della Salute, isang landmark na simbahan sa timog na dulo ng Grand Canal.

Kasunod nito, tutungo ang papa sa St. Mark’s Square sa pamamagitan ng isang tulay na itinayo sa base ng mga bangkang nakahanay sa kabila ng kanal at mamumuno sa isang misa simula alas-11 ng umaga.

Siya ay nakatakdang umalis sa Venice ng ala-1 ng hapon, pagkatapos maging ika-apat na papa na bumisita sa lungsod, pagkatapos nina Paul VI (1972), Jean-Paul II (1985) at Benedict XVI (2011). Jocelyn Tabangcura-Domenden