Home NATIONWIDE PAF: PH force inihanda ng Balikatan 2024 para sa unang pakikilahok sa...

PAF: PH force inihanda ng Balikatan 2024 para sa unang pakikilahok sa int’l exercise 

109
0

MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine Air Force (PAF) nitong Linggo na nakatulong sa kanila ang katatapos lamang na joint military exercise sa pagitan ng Pilipinas at ng United States upang paghandaan ang kauna-unahang deployment ng bansa ng aircraft at mga tauhan sa isang international military exercise.

Inihayag ni PAF spokesperson Colonel Maria Consuelo Castillo na sa Balikatan exercise hna isinagawa mula April 22 hanggang May 10, isa sa mga isinagawa nilang pagsasanay ay ang paghahanda para sa large force deployments sa ibang bansa.

“Itong mga nangyaring large force deployment exercise, naging preparation ito sa participation natin for the first time for Pitch Black exercises, kung saan magpapadala tayo for the first time for an international military exercise ng ating mga FA-50 aircraft,” anang opisyal sa isan panayam.

“Ready na ready na tayong mag-deploy ng ating puwersa kapag merong international military exercises,” dagdag niya.

Sinabi ni Castillo na marami ring natutunan ang PAF personnel mula sa Balikatan exercise pagdating sa pag-deploy ng air assets, maging pagsasagawa ng operasyon.

“Napakalaking development natin ‘to sa capability natin na makapag-participate po tayo sa mga sa ganitong malalaking exercises sa labas ng bansa,” giit niya.

Noong nakaraang buwan ay inanunsyo ng PAF na apat hanggang anim na aircraft at halos 150 tauhan ang ide-deploy bilang kauna-unahang contingent ng bansa sa Exercise Pitch Black sa Australia.

Sa mga naunang iteration ng Pitch Black, inihayag ni Castillo na nagpadala ang PAF ng mga tauhan bilang observers lamang. 

Ang Exercise Pitch Black ay isang biennial “multinational large force employment exercise” na isinasagawa sa loob ng mahigit tatlong linggo. Ngayong taon, inaasahang gaganapin ito sa Hulyo hanggang Agosto. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here