Home NATIONWIDE Comelec: Bilang ng bagong botante malapit na sa 3M target

Comelec: Bilang ng bagong botante malapit na sa 3M target

MANILA, Philippines- Inihayag ng Comelec na malapit na nitong maabot ang target na 3 milyong bagong botante sa Pilipinas.

“Kaunting-kaunti na lang, 3 milyon na ‘yung mga pumupunta sa registration sites. Syempre pag pumupunta sa registration sites hindi lang naga-apply kung hindi ‘yung iba nagpapa-reactivate dahil dating registered voters,” pahayag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia.

“Hanggang September 30 sila pwedeng magparehistro bagamat ating laging inuulit na paalala na huwag naman sanang sasagarin pa doon dahil baka doon naman mapahaba ang pila,” paalala pa ni Garcia.

Samantala, nilalayon ng Comelec na ikasa sa October 1-8, 2024 ang paghahain ng kandidatura.

Kapag lumampas na ang October 8 na deadline, hindi na makalulusot sa Comelec ang substitution ng mga kandidato. RNT/SA