Home NATIONWIDE F2F classes suspendido sa ilang lugar ngayong Lunes, Mayo 13, 2024

F2F classes suspendido sa ilang lugar ngayong Lunes, Mayo 13, 2024

MANILA, Philippines- Suspendido ang face-to-face classes sa ilang lugar ngayong Lunes, May 13, 2024 dahil sa matinding init.

Pinapayuhan ang mga paaralan sa mga sumusunod na lugar na magsagawa ng asynchronous classes o alternative learning modalities.

Sa mga lugar kung saan hindi binanggit ang mga pribadong paaralan, nakasalalay ang suspensyon ng in-person classes sa school authorities.

Metro Manila

  • Malabon City – public schools

  • Muntinlupa City – blended learning modality para sa kinder hanggang Grade 12, public (May 13-17)

  • Pasay City – all levels, public at private (May 13-14)

  • Valenzuela City – Awtomatikong suspendido ang face-to-face classes sa kinder hanggang senior high school, public at private, kapag sumampa ang heat index sa 42°C

Mga probinsya

  • Bulacan – all levels, public at private mula May 8 hangga’t hindi naglalabas ng bagong direktiba (Memorandum  DRF-05072024-217)

Mga lungsod at munisipalidad

  • Umingan, Pangasinan – afternoon classes para sa pre-school hanggang senior high school, public (until May 31)

Paaralan

  • University of Caloocan City (UCC) – Graduate Studies, all levels. RNT/SA