Home NATIONWIDE 36 lugar nagbabadyang makaranas ng ‘dangerous’ heat indices ngayong Lunes, Mayo 13

36 lugar nagbabadyang makaranas ng ‘dangerous’ heat indices ngayong Lunes, Mayo 13

MANILA, Philippines Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na 36 lugar ang maaaring makaranas ng heat index na itinuturing na “dangerous” ngayong Lunes, May 13.

Posibleng umabot ang heat index sa Aparri, Cagayan sa 47°C, habang maaari itong sumampa sa 46°C sa Dagupan City, Pangasinan; Tuguegarao City, Cagayan; Roxas City, Capiz; at Guiuan, Eastern Samar.

Samantala, inaasahan sa Laoag City, Ilocos Norte; ISU Echague, Isabela; at Iloilo City, Iloilo ang 45°C heat index.

Dagdag ng PAGASA, nakaambang maranasan sa Bacnotan, La Union; San Jose, Occidental Mindoro; Puerto Princesa City, Palawan; Cuyo, Palawan; at Dumangas, Iloilo ang heat index na 44°C.

Samantala, maaaring maitala ang 43°C heat index sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Pasay City, Metro Manila; MMSU, Batac, Ilocos Norte; Baler (Radar), Aurora; Aborlan, Palawan; Virac (Synop), Catanduanes; Catarman, Northern Samar; Catbalogan, Samar; at Butuan City, Agusan Del Norte.

Inihayag din ng ahensya na maaaring maramdaman sa Science Garden Quezon City, Metro Manila; Sinait, Ilocos Sur; NVSU Bayombong, Nueva Vizcaya; Iba, Zambales; Casiguran, Aurora; Cubi Pt., Subic Bay Olongapo City; Ambulong, Tanauan Batangas; Daet, Camarines Norte; Masbate City, Masbate; CBSUA-Pili, Camarines Sur; Siquijor, Siquijor; Tacloban City, Leyte; Borongan, Eastern Samar; Dipolog, Zamboanga Del Norte; at Zamboanga City, Zamboanga Del Sur ang heat index na 42°C.

Samantala, iniulat ng PAGASA nitong Linggo na naitala sa Aparri, Cagayan ang heat index na 49 °C.

Lampas ito sa pagtataya ng PAGASA na nagsabing inaasahan ang 46°C sa lugar sa ulat nito noong May 11. RNT/SA