Home METRO Guro, 4 pa nalambat sa drug ops

Guro, 4 pa nalambat sa drug ops

CEBU CITY- Kulungan ang kinasadlakan ng isang guro at apat na iba matapos madakip ng mga awtoridad sa pinaigting na operasyon kontra ilegal na droga noong Huwebes sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na sina Maribel Arcilla, 31, private school teacher at live-in partner nitong si Rey Mark Rabasano, 23, kapwa ng Barangay Babag 2, Cebu City.

Sa pinagsamang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cebu Provincial Office at Cebu City Police Station 4, narekober sa mga suspek ang tatlong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 15 gramo at tinatayang aabot sa halagang P102,000.

Ayon kay Leia Alcantara, information officer ng PDEA-Central Visayas, si Rabasano sy nasa target-listed drug personality.

Isinailalim ang mga ito sa dalawang buwang monitoring at nakapagbebenta umano ang mga ito ng 100 hanggang 300 gramo ng shabu sa loob ng isang linggo.

Samantala, sinalakay naman ng mga tauhan ng PDEA Regional Special Enforcement Team at Cebu City Police Station 11 ang sinasabing drug den sa Barangay Basak-San Nicolas.

Nagresulta ito sa pagkakadakip sa tatlo na sina Alvin Flores, 40, drug den maintainer; at parokyano nitong sina Angelo Bulao, 21, at Permolio A. Haincadto, 39.

Nakuha sa mga suspek ang 12 gramo ng shabu na aabot sa halagang P81,600.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang mga suspek. Mary Anne Sapico