Home NATIONWIDE AFP: Walang destabilization sa likod ng Senate shooting incident

AFP: Walang destabilization sa likod ng Senate shooting incident

68
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may banta ng destabilization kasunod ng nangyaring pamamaril sa loob ng Senado nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay AFP Chief General Romeo Brawner Jr., nananatiling kalmado at propesyonal ang hanay ng militar at walang dahilan para mag-alala na mauuwi ito sa kaguluhan sa loob ng AFP.

“My instructions to the soldiers nationwide is for everyone to remain calm, disciplined, and professional. We should only focus on our jobs and leave politics to the politicians,” ani Brawner.

“Very professional ang Armed Forces so hindi kami nag-aalala na ‘yung nangyari kagabi will spark something na mag-destab yung mga sundalo, hindi,” dagdag niya.

Nilinaw rin ng AFP chief na hindi sangkot ang Marines na naka-deploy sa Senado sa insidente.

Ayon sa kanya, ang mga sundalong nakita sa mga video bago ang insidente ay bahagi lamang ng regular security duties sa mga government facilities.

Ipinaliwanag din niya na ang Marine Security and Escort Group (MSEG) ay naka-assign sa pagbabantay sa mga institusyon tulad ng Senado, Kongreso, Department of Foreign Affairs, at iba pang tanggapan ng gobyerno.

Samantala, kinumpirma ng pulisya na isang driver ng National Bureau of Investigation (NBI) ang naaresto matapos marinig ang mga putok sa Senado.

Ayon sa ulat, walang NBI agents na naka-deploy sa loob ng Senado sa oras ng insidente, at ang Office of the Sergeant-at-Arms lamang ang nagpaputok bilang tugon sa mga putok.

Naganap ang insidente sa gitna ng usapin sa posibleng pag-aresto kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa dahil sa arrest warrant ng International Criminal Court (ICC).

Kinumpirma rin ng isang senador na wala na si Dela Rosa sa Senado matapos umalis umano bandang 2:30 ng madaling araw. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here