Home TOP STORIES Agaran at kumprehensibong aksyon vs rabies, ipinanawagan ni Villar

Agaran at kumprehensibong aksyon vs rabies, ipinanawagan ni Villar

99
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senador Mark Villar ng agarang at komprehensibong aksyon laban sa rabies, iginiit na hindi sapat ang awareness lamang at kinakailangan ng konkretong hakbang sa public health at animal welfare.

Sa kanyang privilege speech kaugnay ng Rabies Awareness Month, ibinahagi ni Villar ang kaso ni Jamaica Seraspe, isang estudyanteng nasawi matapos makagat ng asong gala, na aniya’y sumasalamin sa kakulangan sa agarang gamutan at pagbabakuna ng mga hayop.

Nananawagan si Senator Mark Villar para sa isang komprehensibong tugon laban sa krisis ng rabies sa bansa sa kanyang privilege speech para sa Rabies Awareness Month. Binigyang-diin ng Senador ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sapat na serbisyong beterinaryo at maayos na pangangasiwa sa mga stray animals upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang rabies-related deaths.

“she represents a critical public health gap where immediate medical attention and animal vaccination could have saved a life.”

Bagama’t may 65% pagbaba sa kaso ngayong taon, binigyang-diin ng senador na nananatiling mataas ang insidente ng rabies sa bansa, na ika-anim sa buong mundo, kasabay ng kakulangan sa access sa healthcare at monitoring ng vaccination.

Upang tugunan ito, itinulak ni Villar ang pagpasa ng dalawang panukala: ang Animal Medical Center Act (Senate Bill No. 255) na magtatatag ng veterinary clinics sa bawat lungsod at munisipalidad, at ang Stray Animal Adoption Incentives Act (Senate Bill No. 591) na naglalayong mabawasan ang tinatayang 13.11 milyong stray animals sa bansa.

Binigyang-diin din niya ang pananagutan ng pamahalaan at ng mga pet owners, kasabay ng kanyang personal na adbokasiya sa pag-aampon ng mga asong mula sa shelter.

“Ilang kabataan na tulad ni Jamaica pa ba ang babawian ng buhay dahil walang sapat na akses sa lunas? Kung ang asong nakakagat kay Jamaica ay nabakunahan lamang, marahil ay buhay pa siya ngayon,” ani Villar.

Umaasa ang senador na kikilos ang Senado sa isyung ito, at iginiit ang pangangailangan ng mas matibay na polisiya upang maprotektahan ang kalusugan ng publiko at kapakanan ng mga hayop. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here