Home NATIONWIDE P7.5B tobats nasamsam, 107 ‘durugista’ timbog ng PDEA sa 1-linggong ops

P7.5B tobats nasamsam, 107 ‘durugista’ timbog ng PDEA sa 1-linggong ops

122
0

MANILA, Philippines – ARESTADO ang nasa 107 katao sa mga ikinasang anti-illegal drugs operation ng PDEA sa loob lamang ng isang linggo mula Marso 6 hanggang Marso 12 ng taong kasalukuyan.

Nakuha sa mga suspek ang tinatayang P7.50 bilyong halaga ng iligal na droga.

Ang pagkakadakip sa mga suspek at pagkakakumpiska sa iligal na droga ay resulta ng 85 operasyon, kabilang ang buy-busts, interdictions, controlled deliveries, at marijuana eradication.

Kabilang sa mga nakumpiskang drugs ang 948,670.34 gramo ng hinihinalang shabu; 853,895.21 gramo ng “kush”; 67,070 marijuana plants; 31,084.12 gramo ng dried marijuana leaves; 17,900 gramo ng marijuana stalks; 2,601.40 milliliters ng marijuana oil; at 200 ecstasy tablets.

Sa mga naaresto, 50 ang drug pushers at 29 drug den visitors na pawang nahaharap ngayon sa mga kaso ng paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“By removing PHP7.50 billion worth of illegal drugs from circulation, we have prevented immense harm to our communities,” sabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Isagani Nerez.

Nitong Marso 7, 2026, nakasabat ang Philippine Drug Enforcement Agency, Bureau of Customs, at Philippine Coast Guard ng tinatayang 800 kilograms ng marijuana na may halagang P640 million sa Manila International Container Port sa Tondo, Manila. (Dave Medina)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here