Home NATIONWIDE Agarang pagpasa ng Magna Carta sa mga Barangay, iginiit ni Speaker Dy

Agarang pagpasa ng Magna Carta sa mga Barangay, iginiit ni Speaker Dy

174
0

MANILA, Philippines – Inulit ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III noong Huwebes, Peb. 5 ang kanyang hangarin na agad mapasa ang Magna Carta para sa Barangay, na kanyang tinawag na “matagal nang dapat ipasa.”

Ang kanyang bersyon ay nakasaad sa House Bill No. 3533.

Sa isang pagdinig ng House Committee on Local Government-Subcommittee on Local Officials and Personnel, pinasalamatan ni Dy ang mga miyembro sa kanilang overtime na trabaho upang isulong ang panukala.

Ayon kay Dy, ang mga barangay officials ang tunay na frontliners ng pamahalaan:

“The first responders. The first point of contact. The ones on the ground. Sila ang unang nilalapitan kapag may problema, unang kumikilos kapag may krisis, at kadalasan, sila rin ang huling umaalis kapag tapos na ang problema.”

Bilang dating barangay captain, mayor, at gobernador, sinabi niya na lalo lamang tumibay ang kanyang paniniwala sa kahalagahan ng barangay officials.

Ipinaliwanag din niya na sa praktika, ang mga opisyal ng barangay ay gumaganap bilang executive, legislative, at judiciary sa kanilang nasasakupan.

Layunin ng Magna Carta para sa Barangay na pahusayin ang sahod at benepisyo ng Punong Barangay, Kagawad, SK officials, at iba pang barangay personnel; siguraduhin ang basic services at pasilidad tulad ng barangay halls at health centers; at palakasin ang barangay bilang institusyon upang mas epektibong gampanan ang tungkulin nito.

“This bill is about giving our barangay leaders the dignity and recognition they deserve,” sabi ni Dy, at idinagdag: “Kapag pinalakas natin ang barangay, mas nararamdaman ng taumbayan ang gobyerno.”

Nagpahayag siya ng optimismo na sa tulong ng komite, maisusulong ang panukala sa kasalukuyang ika-20 Kongreso. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here