Home LIFESTYLE HEALTH Agarang tigil-putukan ipinanawagan vs Ebola outbreak

Agarang tigil-putukan ipinanawagan vs Ebola outbreak

87
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang pinuno ng World Health Organization para sa agarang tigil-putukan sa silangang bahagi ng Democratic Republic of the Congo upang makontrol ang lumalalang Ebola outbreak, kasabay ng babala na ang patuloy na labanan ay nagpapalala ng displacement at mabilis na pagkalat ng sakit.

Tedros Adhanom Ghebreyesus ay nagsabing ang sitwasyon sa eastern DRC ay isang “catastrophic collision of disease and conflict,” kung saan nahihigitan na ng outbreak sa Ituri province ang kapasidad ng tugon ng mga awtoridad.

“We cannot build community trust or isolate the sick while bombs are falling. We urge all warring parties to agree to an immediate ceasefire to contain this outbreak,” aniya sa social media platform X.

Ang outbreak ay sanhi ng Bundibugyo strain ng Ebola, na wala pang aprubadong bakuna o gamot. Idineklara na ito ng World Health Organization bilang international health emergency dahil sa patuloy na pagdami ng kaso.

Mahigit 900 suspected cases at mahigit 200 suspected deaths na ang naitala sa tatlong probinsya sa eastern Congo, kabilang ang mga lugar na apektado ng armadong tunggalian sa pagitan ng Rwanda-backed M23 rebels at Alliance Fleuve Congo.

Ayon sa mga humanitarian group tulad ng Save the Children, malaking bahagi ng mga nasawi ay mga bata at nanawagan ng mas mahigpit na infection prevention measures.

Sa kabila ng mga mediation efforts, nagpapatuloy ang labanan sa rehiyon na nagdudulot ng malawakang displacement at nagpapahirap sa mga kalapit na bansa tulad ng Uganda, kung saan siksikan na umano ang mga transit site para sa refugees.

Patuloy ang pagpadala ng aid groups ng tauhan at kagamitan, ngunit nahahadlangan ang operasyon dahil sa insecurity at pag-atake sa mga health worker. Tinatayang nasa $500 million ang pondong naipangako ng mga donor, ngunit hindi pa lahat naipapamahagi. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here