Home NATIONWIDE Agenda para sa Cabinet meeting sa Jan. 7 tinalakay nina PBBM, Bersamin

Agenda para sa Cabinet meeting sa Jan. 7 tinalakay nina PBBM, Bersamin

MANILA, Philippines- Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Huwebes upang talakayin ang agenda para sa unang Cabinet meeting ngayong 2025.

Sa isang text message, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Cesar Chavez na kasado ang Cabinet meeting sa Jan. 7.

“The President will be comparing some notes with the Executive Secretary today,” ani Chavez nang tanungin ukol sa mga aktibidad ni Marcos.

“This includes the agenda in the first Cabinet meeting,” dagdag niya.

Inihayag ni Chavez na magkakaroon din si Marcos ng mga pribadong pulong.

Sinalubong ni Marcos ang unang araw ng 2025 kasama ang kanyang pamilya sa Bahay Pangulo, ang kanyang official residence sa Malacañan grounds.

Sa mensahe niya sa Bagong Taon, inihayag ni Marcos ang kumpiyansang ang mga naranasan ng bansa sa nakalipas na taon ay magsisilbing gabay sa pagbuo ng hinaharap “filled with promise and purpose.” RNT/SA