MANILA, Philippines- Mahigit 500 indibidwal ang tinamaan ng paputok sa gitna ng pagdiriwang ng Bagong Taon 2025, sinabi ng Department of Health (DOH) ngayong Huwebes.
Sa huling datos na ipinakita ng DOH, 188 karagdagang firecrackers-related injuries ang iniulat mula Disyembre 31 o bisperas ng Bagong Taon na nagdala sa kabuuang 534 kaso.
Tatlong kaso ang naitala noong gabi ng Enero 1 habang tatlo naman sa nakalipas na ilang araw na idinagdag sa tally.
Sa kabuuan, ang mga kaso na naitala mula Disyembre 22, 2024 hanggang Enero 2, 2025 ay umabot na sa 534– bahagyang mas mababa ng 9.8% mula sa 592 mga kaso noong nakaraang taon ng kaparehong panahon.
Sinabi ng DOH na ang kwitis– na legal na paputok ngunit mapanganib pa rin ay nangungunang sanhi ng injuries sa ngayon.
Nauna nang sinabi ng DOH na ang improvised cannons o boga ang nangungunang dahilan ng injuries.
Maliban sa kwitis at boga, ang iba pang paputok na nagdulot ng maraming injuries ay ang 5-star at whistle bomb.
Karamihan din sa mga casualties ay lalaki na nasa 443 kaso at marami sa kanila ay edad 19 pababa sa 322 kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden