Home NATIONWIDE Mga pasahero dagsa na sa mga pantalan, bus terminals sa pagtatapos ng...

Mga pasahero dagsa na sa mga pantalan, bus terminals sa pagtatapos ng holiday season

MANILA, Philippines- Sa pagtatapos ng holiday season, libo-libong pasahero ang nagsimula nang dumagsa sa bus terminals at daungan para sa kanilang pagbabalik sa kanilang lugar bago ang weekened rush.

Sinabi ni Philippine Ports Authority (PPA) spokesperson Eunice Samonte na 3.5 milyong pasahero ang naitala simula Disyembre 15.

Ayon kay Samonte, inaasahan pa itong madaragdagan sa susunod na mga araw dahil mas marami ang mga manggagaling sa kani-kanilang ma probisnya.

Inaasahan aniya ang pagbuhos ng bilang ng pasahero sa darating sa pantalan sa weekend.

Bagama’t hindi nakapagtala ng pagkaantala ng biyahe sa mga pantalan, nangangamba naman si Samonte na magkakaroon ng pagbigat ng mga pasahero dahil sa kakulangan ng mga barko.

Samantala, wala ring travel delays na naitala sa PITX ngayong Huwebes ng umaga at tiniyak na mayroong sapat na mga bus na masasakyan ang mga pasaherong babalik sa Metro Manila o sa kani-kanilang mga probinsya. Jocelyn Tabangcura-Domenden