Home NATIONWIDE ‘Aging’ malaking factor sa pagkakaroon ng cancer-health expert

‘Aging’ malaking factor sa pagkakaroon ng cancer-health expert

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng isang cancer expert na ang pinakamalaking kadahilanan ng sakit na cancer sa Pilipinas ay ang “aging.”

Sa kapihan sa Manila Bay forum, sinabi ni Dr. Manuel Francisco Roxas, Chairman ng Philippine College of Surgeons Commission at Medical Director ng bagong bukas na Healthway Cancer care Hospital sa Ayala, Alabang at kauna-unahang cancer hospital sa bansa na ang cancer ang “the most leading cause of death” sa buong Pilipinas.

Kaya naman ngayong Pebrero bilang World Cancer Awareness Month, magsasagawa sila ng mga aktibidad kasunod na rin ng anunsyo at ulat na rin na si King Charles III ay na-diagnose na may cancer.

Ayon kay Dr. Roxas, base sa global data noong 2015, nakitaan ng 80 percent ng pagtaas ng insidente ng cancer dahil sa “aging” o pagtanda ng ating populasyon.

“Kahit healthy at nag-e-exercise basta tumatanda, tumataas ang chance na magka-cancer-85 percent due to aging–5 percent dahil sa genetic factor nakukuha kapag bata-bata pa,” saad ni Dr. Roxas.

“Aside from aging may environmental factor na nakukuha like smoking, alcohol intake, obesity, sedentary o laging nakaupo,” dagdag pa ng eksperto.

Base rin aniya sa datos, ang pinakalaganap na cancer sa bansa ay ang breast cancer na isa sa pinakamataas sa buong Asya –ang Pilipinas.

Sa siyam na kababaihan, isa ang nagkakaroon ng breast cancer kaya paalala ni Dr. Roxas, ang maagang screening at detection ay maaaring mabuhay nang matagal maski mayroon nang breast cancer.

Paliwanag ni Dr. Roxas, mayroong NICCA law na naipasa noong Pebrero 14, 2019 o ang National Integrated Comprehensive Cancer Control Act na kailangang ipatupad.

Sa ilalim aniya ng NICCA, may suporta ang mga cancer patient sa screening, treatment, pag-angat ng cancer facilities sa ospital pati paggawa ng Philippine Cancer Center o PCC.

Nakausap na rin aniya si Health Secretary Ted Herbosa ay nakita na malaki ang gastos ng DOH sa chemotherapy.

“So ang feeling niya kung mas maganda ang screening program o early detection baka we don’t need to spend it as much for chemotheprapy.”

Aniya, ang solusyon sa problema ng cancer sa bansa ay “whole of society approach” na kailangan tignan ang finance, screening, PhilHealth, town to barangay level, navigators, expertise, doctors at nurses.

Aminado rin si Dr. Roxas na dapat tutukan din ang kakulangan ng doctor at nurses para sa mga cancer patient dahil sa kakulangan lalo na sa mga tatlong cancer specialties—ang breast cancer, lung cancer at colorectal cancer ay ang surgery, medical oncology, at radiation oncology.

Batay sa Philippine Global Cancer Observatory o (GLOBOCAN) mula sa nakalipas na taong 2020 ang mga bagong kaso ng iba’t-ibang mga cancer sa parehong kasarian at lahat ng edad, ay nakakuha ng kabuuang 153,751 kaso, kung saan 8,242 (o 5.4%) dito ay prostate cancer.

Sa kabuuang mga kaso ng kanser na ito, ang mga lalaki sa lahat ng edad ay umabot sa 67,257, kung saan 8,242 o 12.3% ay kanser sa prostate.

Habang ang bilang ng mga kababaihan sa lahat ng edad na may mga bagong kaso ng breast kanser ay 86,484.

Habang Ika-9 naman sa ranggo ng kamatayan, na may katumbas na 3,164, o 3.4% sa taong nabanggit. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleTindero ng registered SIM card sa Valenzuela, kalaboso
Next articleSunog sumiklab sa residential area sa Sampaloc, Maynila