Home NATIONWIDE Agri damage mula kay ‘Kristine’ pumalo na sa P143M

Agri damage mula kay ‘Kristine’ pumalo na sa P143M

196
0

MANILA, Philippines- Umabot na ang pinsala sa agricultural sector ng bansa sa P143.47 milyon dahil kay Severe Tropical Storm Kristine (international name: Trami), ayon sa Department of Agriculture (DA) nitong Biyernes ng hapon.

Sinabi ng DA na naapektuhan sa bagyo ang 4,798 magsasaka at 3,358 ektarya ng agricultural areas sa Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Mimaropa, Bicol Region, Western at Eastern Visayas, at Soccsksargen, na nagresulta sa production loss na 8,600 metric tons (MT).

Inihayag ng departamento na ang production losses ay tinatayang 8,265 MT para sa palay (unhusked rice), 187 MT para sa high-value crops, 102 MT para sa mais, at 46 MT para sa balinghoy.

Bilang tugon, sinabi ng DA na nagbighay ito ng P531.72 milyong halaga ng agricultural input mula sa field offices nito sa mga apektadong rehiyon at P1 bilyon sa pamamagitan ng Quick Response Fund bilang tulong sa pagrekober ng mga nasapul na lugar.

Nakatanggap din ang Survival and Recovery Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council ng P500 milyon mula sa DA upang makahiram ang mga magsasaka hanggang P25,000, na maaaring bayaran sa loob ng tatlong taon at wlaang interes.

Dagdag ng DA, napapadala ito ng rice stocks mula sa National Food Authority upang ipamahagi sa relief efforts ng local government units, Department of Social Work and Development, at iba pang mga ahensya.

Nitong Biyernes ng hapon, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration na si Kristine sa area of responsibility ng bansa.

Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council na mahigit 2.6 milyong indibidawal ang apektado sa buong bansa, kung saan 13 ang kumpirmadong patay hanggang nitong Oktubre 25. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here