Home METRO Bahagi ng Maharlika Highway muling binuksan kasunod ng hagupit ni ‘Kristine’

Bahagi ng Maharlika Highway muling binuksan kasunod ng hagupit ni ‘Kristine’

172
0

MANILA, Philippines- Muling binuksan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Lopez-Catanauan section ng Maharlika Highway sa heavy vehicles, bilang tugon sa kritikal na access issues kasunod ng pagguho ng lupa mula sa hagupit ni Severe Tropical Storm “Kristine”.

Sa situation briefing kasama ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malacañang nitong Biyernes, sinabi ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan na mahalagang maibalik ang “connectivity” para sa paghahatid ng tulong at mga supply sa mga apektadong rehiyon.

Bagama’t madaraanan na ang highway, kinilala ni Bonoan ang mga umiiral na panganib,  partikular sa Quezon Province.

“Sa mga area na hindi pa nakakita ng landslide noon, nag-landslide na ngayon. Wala na talagang pupuntahan iyong tubig,” pahayag ni Marcos, binanggit ang pangangailangan para sa preventive measures dahil sa “saturated soil” ng nasabing lugar.

Upang pagbutihin ang road safety at resilience, nagpapatupad ang DPWH ng “comprehensive response plan” na saklaw ang agarang road clearing na sinusundan ng permanent restoration program target ang high-risk areas. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here