Home HOME BANNER STORY Agri damage sa El Niño lampas P1.2B na – NDRRMC

Agri damage sa El Niño lampas P1.2B na – NDRRMC

MANILA, Philippines – – Lampas P1.2 bilyon na ang pinsala sa agrikultura sa nagpapatuloy na El Niño phenomenon.

Sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na inisyu nitong Miyerkules, Abril 3, umabot na sa tinatayang 1,236,853,305 ang pinsala at pagkawala sa agrikultura sa bansa.

Nasa 26,731 ektarya ng taniman at 29,409 magsasaka at mangingisda ang apektado ng El Nino.

Aabot naman sa 84,731 pamilya o 416,820 indibidwal sa 378 mga barangay sa 10 probinsya ang malubhang naapektuhan ng matinding init dulot ng El Nino.

Labimpitong lugar sa bansa ang nagdeklara na ng state of calamity dahil dito.

Samantala, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na magbibigay ng tulong sa mga apektadong magsasaka ang Department of Agriculture.

“As of the moment, we’re at the height of El Niño…Hopefully by May, patapos na ‘yan, panama na. What we can do is give whatever seeds and fertilizers you can give and other types of plants na ‘di nagre-require ng masyadong tubig,” ani Tiu Laurel.

Target din ang posibleng memorandum of understanding sa pagitan ng Department of Labor and Employment para mabigyan ng pansamantalang hanapbuhay ang mga apektadong magsasaka. RNT/JGC

Previous articleSurigao del Sur inuga ng M-5.1 na lindol
Next articleDENR regional office, salarin sa pagtatayo ng private resort sa Chocolate Hills – solon