Home NATIONWIDE Surigao del Sur inuga ng M-5.1 na lindol

Surigao del Sur inuga ng M-5.1 na lindol

MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang Hinatuan, Surigao del Sur nitong hapon ng Miyerkules, Abril 3.

Ayon sa PHIVOLCS, ang sentro ng lindol ay naitala sa silangan ng Hinatuan.

Ito ay tectonic in origin at may lalim na isang kilometro at tumama 12:51 ng hapon.

Naramdaman ang Intensity IV ng lindol sa Bislig, Surigao del Sur.

Dagdag ng PHIVOLCS, ito ay aftershock ng magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Surigao del Sur noong Disyembre 2, 2023.

Walang inaasahang pinsala sa nangyaring lindol. RNT/JGC