Home NATIONWIDE Barge at barko nagbanggaan malapit sa Verde Island

Barge at barko nagbanggaan malapit sa Verde Island

MANILA, Philippines – Nagbanggaan ang isang barko at isang barge malapit sa Verde Island sa Batangas na nagresulta sa pagkasugat ng isang lalaking pasahero, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo, nangyari ang banggaan nitong Martes, Abril 2 sa pagitan ng Barge Krizza Rica at MV Fastcat M19.

Lulan ng barge ang 300 sako ng semento at 17 crew habang 41 pasahero naman ang sakay ng Fastcat.

Sinabi ni Balilo na nasugatan ang 26-anyos na pasahero sa kanyang kanang mata at bibig dahil sa insidente.

Nakadaong na ang Fastcat sa Calapan port sa Oriental Mindoro kung saan lahat ng pasahero ay ligtas na naibaba.

Nagsagawa na rin ng initial oil spill assessment ang PCG sa pinangyarihan ng insidente kung negatibo ang resulta. Jocelyn Tabangcura-Domenden