ILOCOS SUR- Gulat ang buong mamayan ng lalawigang ito sa biglaang pagpanaw ng mister ng aktres na si Dina Bonnevie na si Undersecretary Deogracias Victor “DV” Savellano.
Pumanaw sa edad na 65 si Savellano, naninilbihan bilang Undersecretary for Livestock ng Department of Agriculture.
Isang Filipino politician si Savellano na naging vice governor at gobernador ng Ilocos Sur.
Naging kinatawan din siya ng 1st District ng Ilocos Sur na naging daan para maging Deputy Speaker siya ng House of Representatives (2019-2022).
Ikinasal sila ng aktres noong 2012.
Wala pang inilalabas na impormasyon kung ano ang ikinamatay nito. Rolando S. Gamoso