Home NATIONWIDE BFAR: Shellfish sa Zambo, Biliran, Samar coastal waters positibo pa rin sa...

BFAR: Shellfish sa Zambo, Biliran, Samar coastal waters positibo pa rin sa red tide toxin

MANILA, Philippines- Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Martes na ang shellfish na nakolekta at sinuri sa ilang katubigan ng Zamboanga, Samar, at Biliran ay positibo pa rin sa toxic red tide.

Sa bulletin, sinabi ng BFAR na nananatiling positibo ang shellfish sa Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; coastal waters ng Daram Island at Irong-Irong Bay sa Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samar; coastal waters ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay Province; at coastal waters ng Biliran Islands sa Biliran Province sa Paralytic Shellfish Poison (PSP) o toxic red tide.

Inihayag ng BFAR na lampas ito sa regulatory limit.

Samantala, wala namang natukoy na toxic red tide sa coastal waters ng Zumarraga Island.

Hindi ligtas kainin lahat ng uri ng shellfish at Acetes sp. O alamang na nahuli mula sa mga nabanggit na lugar.

Samantala, ligtas kainin ang isda, pusit, hipon, at alimango sa kondisyong sariwa ang mga ito at hinugasang mabuti at tinanggalan ng lamang-loob bago lutuin. RNT/SA