Home TOP STORIES Agrikultura, kalikasan, kabuhayan tututukan ni Villar

Agrikultura, kalikasan, kabuhayan tututukan ni Villar

Sinimulan ni Senator Cynthia Villar ang kanyang kampanya para sa Kongreso sa pamamagitan ng isang misa sa San Ezequiel Moreno Church, Las Piñas.

Tumatakbo sa ilalim ng Nacionalista Party, nakatuon siya sa agrikultura, kalikasan, at mga proyektong pangkabuhayan, imprastruktura, pabahay, at pagbaha.

Iginiit niyang kailangang ipagpatuloy ang mga inisyatiba niya bilang dating kongresista at senador upang matulungan ang mga taga-Las Piñas.

“I must continue the local projects I initiated when I first became congresswoman of Las Piñas and later as Senator, and introduce more programs to support my fellow Las Piñeros,” sabi ni Villar.

Para sa kanya, ang serbisyo publiko ay isang responsibilidad, hindi pribilehiyo. Ipinahayag niya rin na ang kanyang pagtakbo ay pagpupugay sa pamana ng kanyang ama sa lungsod. RNT