Manila, Philippines- Kaliwa’t kanang paratang ang ibinato ng ex-partner ng Kapuso actor na si Buboy Villar, na si Angillyn Gorrens, sa kanya.
Sey nito diumano ay namimisikal ang aktor, nambababaw, at hindi nagbibigay ng sapat na sustento para sa kanyang dalawang anak.
Nilabas ni Angillyn ang kanyang saloobin sa mahabang Facebook post last March 26, na ngayon ay burado na.
Aniya ay patuloy siyang bina-bash ng mga tao matapos ang guesting ni Buboy sa isang podcast kung saan nagkwento ang aktor tungkol sa kanyang non-showbiz girlfriend at three-month old baby.
Kinukumpara na kasi ng netizens ang current girlfriend ni Buboy na si Isay Sampiano at kahit tahimik lang si Angillyn ay maraming masasamang nasasabi tungkol sa kanya.
Kinausap niya raw si Buboy na ipagtanggol siya at ang mga anak nito na sina Vlanz Karollyn, 7, at George Michael, 5, ngunit walang nangyari.
“Ilang beses na nila ako binastos at hindi nirerespeto maski ang anak ko,” sey ni Angillyn. “Ilang beses ko na sila kinausap para sana maging maayos pero hanggang huli hindi pa rin nila ako pinakinggan.”
Dagdag pa niya ay pinapalabas umano ni Buboy na siya ang nag-aalaga sa mga anak nila kahit na sobrang minsan lang ito dumalaw, yung tipong “bilang lang sa daliri sa buong taon”.
Wala naman daw problema sa kanya kahit 2 years nang di nagbibigay ng sustento si Buboy kahit pa Php40,000 ang sahod nito sa bawat taping.
Sana raw ay sinasamahan ni Buboy ang mga anak nila kasi siya ang kailangang magpunta sa United States para magtrabaho.
“Oras na lang sana para sa mga bata, doon na lang sana bumawi dahil siya lang ang meron ang mga bata,” sey ni Angillyn.
“Dalawa trabaho ko sa America dahil kahit future nila, kailangan ko simulan ng ipon.”
Pinabulaanan din niya ang tsismis na kaya niya iniwan si Buboy ay mahirap lang ito.
May isang beses pa nga na binayaran ng nanay ni Angillyn ang renta nila sa loob ng isang taon.
Grabe diumano si Buboy magalit at mag-inom bukod sa pambabae na umabot pa sa point na takot siyang baka mapatay na siya kung hindi siya aalis.
Nasakal na diumano siya nito at lumalalala ang temper nito dahil sa gabi-gabing pag-iinom.
2015 nagkakilala sina Angillyn at Buboy at 2016 naging sila.
2020 naman kinumpirma ng kapatid ni Angillyn na si Veybillyn ang hiwalayan ng dalawa. Trixie Dauz