Home ENTERTAINMENT Vice, may pa-garage sale!

Vice, may pa-garage sale!

Manila, Philippines- Payback time.

Ito ang pangunahing layunin ng pa-garage sale ni Vice Ganda na tatakbo hanggang Linggo, March 30.

Gaganapin ito sa Diliman, Quezon City.

Proceeds to benefit the TV host’s scholars, ang mga ibebentang items doon ay both brandnew at pre-loved.

Hindi lang ‘yon pag-aari ni Vice Ganda kundi meron ding mga gamit ang asawa niyang si lon Perez.

Tinawag niyang Unkaboggable Garage Sale, mabibili roon ang mga branded sneakers, high heels, pants, shorts, jackets, gowns, suits, dresses, costumes atbp.

Ang malilikom doon ay gagamiting pantulong ni Vice Ganda sa kanyang mga scholar o pinag-aaral na karamihan ay mga contestants ng

Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime.

Ginagawa ito ng TV host-comedian para ibalik lang ang natanggap niyang tulong noon, kumbaga, her way of giving back.

Walang dudang maganda ang hangarin ni Vice Ganda sa paglulunsad ng naturang proyekto. Ronnie Carrasco III