Home ENTERTAINMENT Maja, ayaw i-expose ang anak sa socmed!

Maja, ayaw i-expose ang anak sa socmed!

Manila, Philippines- Raring to go back to work na si Maja Salvador.

Matatandaang isinantabi niya ang kanyang career in favor of her wedding.

Host siya noon ng the old Eat Bulaga when she resigned for two reasons.

Magiging busy kasi si Maja sa wedding preparations.

And the other one being ang pagkakagulo sa noontime program involving the Jalosjos family.

After settling down with Rambo Nuñez, in no time did Maja get pregnant.

Ten months old na ngayon si Maria na isinilang niya sa Canada.

Maitatanong lang–bakit wala man lang lumalabas na baby photos si Maria?

May paliwanag si Maja tungkol dito–hindi raw niya kayang gawin ito?

Aware si Maja na naba-bash pati ang mga inosenteng sanggol na mga anak ng celebrities.

At ito ang iniiwasan niyang mangyari.

In due time ay ipakikita rin naman daw niya how Maria looks; hindi pa nga lang ngayon.

Also, at the moment ay handa na rin sundan ni Maja si Maria. Ronnie Carrasco III