Home NATIONWIDE AHON NCR barangay leaders’ assembly inilunsad

AHON NCR barangay leaders’ assembly inilunsad

Manila, Philippines – Patuloy na nagaganap ang mga city-wide assembly ng Advocates for Healthy One Nation (AHON) sa Metro Manila.

Kamakailan lamang ay inilunsad ang pagtitipon ng naturang political party sa Quezon City.

“AHON tayo tungo sa malusog na bayan!,” sigaw ng mahigit sa 300 barangay coordinators na dumalo sa nasabing pagtitipon.

Pinangasiwaan ni AHON District Coordinator Vicente Puerta ang panunumpa ng mga kinatawan ng mga barangay ng samahan.

Nagbigay ng pambungad na mensahe si Kagawad Yolanda Sapo ng Barangay Vasra.

Habang si AHON Area Coordinator Ian Sauza naman ay nagsagawa ng oryentasyon upang ipaliwanag ang mga layunin at misyon ng organisasyon.

Ang AHON ay kumakatawan sa interes ng mga maralita sa National Capital Region tungo sa kalusugan at pagkakaroon ng access sa mga serbisyong pampubliko.

Tinataguyod ng AHON ang ‘holistic’ na pangangalaga sa kalusugan at layon nitong umaksyon sa mga pagkilos na tumutulong sa mga urban poor na mapanatiling malusog ang kanilang pangangatawan.

Kabilang dito ang pag-abante sa mga programang nagsusulong ng pagkakaroon ng abot-kayang gamot at pagkain, pagtatayo ng mga lokal na pasilidad pangkalusugan, at pagsuporta sa mga barangay health workers.

Tuloy-tuloy ang malawakang recruitment ng mga coordinator at organizer ng AHON para sa mga miyembro galing sa iba’t ibang siyudad ng NCR. RNT