Manila, Philippines- Ang masasabing point of entry sa showbiz ni Ahron Villena ay nang manalo siya sa TV Idol: Ur ‘D’ Man, segment ng kanseladong nang show na MTB, Ang Saya-saya back in 2004.
That paved the way for showbiz offers.
Dahil isang baguhan, like any newbie ay nagsimula siyang gumanap ng cameo role.
May pagka-sexy ang papel niya doon which required him to put on plaster sa kanyang private parts.
Sa kalagitnaan dàw ng paglalagay nìya ng plaster ay may “sumità” sa kanya.
Ayaw nang banggitin ni Ahron ang pangalan ng taong ‘yon na nagprisintang siya raw mismo ang
maglalagay ng plaster.
Pero tila taga-produksyon ‘yon ng pelikulang ginagawa niya.
Right then and there, Ahron believed it was clearly a form of exploitation o pang-aabuso porke’t newbie nga siya.
Left with no other choice at hindi mapagsabihang maarte siya’y pumayag na rin daw siya sa gusto ng taong ‘yon.
Bukod doon ay hindi na nilubayan si Ahron ng mga intrigang kesyo bakla siya, even worse than being rumored na pumapatol sa mga bakla.
To this day, ang intrigang ‘yon continues to hound Ahron.
Sa guesting nila ng kapwa Sparkle contract artist na si Luke Conde recently ay nabigyan ng pagkakataon si Ahron na idepensa ang kanyang sarili.
Aniya, hindi na raw bago ang circulating talks na ‘yon.
“Ang mahalaga, kilala ko ang aking sarili at higit sa lahat, wala akong tinatapakang tao,” diretso niyang sabi.
And because Ahron knows himself more than anybody else, “Hindi Ko kailangang magpaliwanag sa ibang tao!”
Aminado si Ahron na nagkaroon siya ng renewed enthusiasm sa kanyang showbiz career ngayon at nasa ilalim na siya ng pangangalaga ng Sparkle.
Ang Sparkle ay ang talent arm ng GMA. Ronnie Carrasco III