Manila, Philippines – Totoong bahagi ng emotional outburst ng sinumang tao ang makapagsalita ng mga bagay na
hindi maganda sa pandinig.
But once emotions subside ay lumalambot din ang taong noong una’y kasingtigas ng bato ang puso.
This is exactly what happened to Ai Ai de las Alas.
Tulad nga ng kanyang ipinangako, sinipot ng Comedy Queen ang kanyang guesting nitong November 11, Lunes sa Fast Talk with Boy Abunda.
Bale ika-60 kaarawan ‘yon ni Ai Ai.
Sa nasabi ngang programa niya kinumpirma ang paghihiwalay nila ng asawang si Gerald Sibayan.
Theirs was a 10-year relationship.
Sa mga nagtatanong why she had to speak up, Ai Ai stated: “I think I owe it to the public din naman. Ever since, ang buhay ko naman ay open book!”
With their separation, marami ang nagdududa na baka raw ipa-revoke ni Ai Ai ang green card ni Gerald.
Si Ai Ai ay green card holder na.
Aniya: “Siyempre, nun’g una sa buwisit, marami akong naiisip gawin. Pero hindi…bale help ko na
‘yon sa kanya.”
Sa ngayon, idinadasal ni Ai Ai na: “I pray to God na bigyan niya ako ng joyful heart, peaceful heart, forgiving heart. Kasi ilang taon na lang naman ang ilalagi ko dito sa mundo?”
In fairness, all throughout the interview, Ai Ai never spoke ill of Gerald.
Let other couples on the brink of separation take a cue from Ai Ai.
After all, may pinagsamahan pa rin naman sila although it ended on a sad note. Ronnie Carrasco III