Manila, Philippines – “Oo, hiwalay na kami,” ang mariing sabi ni Ai Ai de las Alas kay Boy Abunda sa afternoon talk show niya na “Fast Talk” sa GMA7 kahapon.
October 14 ay nag-chat daw sa kanya si Gerald Sibayan from the US habang si AiAi ay nasa Pilipinas, na gusto na niyang makipaghiwalay sa komedyana.
Katwiran ni Gerald, hindi na siya happy sa piling ni Ai Ai at gusto niya na magkaroon ng anak.
Paglalahad ni AiAi, “Medyo confused ako, and shocked…and bakit ngayong oras na ‘to? Sana hintayin mo man lang ako na makauwi sa Amerika. Maraming bakit.”
Wala naman daw silang pinag-awayan ni Gerald, ayon kay AiAi.
Sa ten years na pagsasama raw nila ay madalang na magkaroon sila ng “discussion.”
‘Yan ang tawag ni AiAi at hindi away.
May gut feel naman daw si AiAi na merong third party involved kaya nagdesisyon si Gerald na makipag-hiwalay sa kanya.
“Pero Ama (tawag ni AiAi kay Kuya Boy) it doesn’t matter naman kung neron.o wala, eh. Kasi nu’ng sinabi niya na firm na siya sa desisyon wala naman na akong ilalaban, ‘di ba?
“Pag lumaban pa kasi ako, kunyari, nag-stay pa ako, parang alam ko naman ang magiging ending, eh. ‘Yung dignity ko ba o self worth ko, mawawala na ‘yun, eh.
“Magtuturo na naman ako (para sa sarili ko). Kasi alam ko na mangyayari ulit ‘yun,” sabi ni AiAi.
Nangyari na rin daw kasi na nag-cheat sa kanya si Gerald noong 2019.
At sa isyu ng pagnanais ni Gerald na magkaroon ng anak, from the start ay sinabi na ni AiAi, at alam din daw yun ni Gerald, na hindi niya kayang bigyan ng anak ang kanyang mister.
Sa kabila nito, sinubukan pa rin ni Ai Ai na gumawa ng paraan para mabigyan ng anak si Gerald via IVF.
Samantala, nilinaw din ni Ai Ai ang tsika na ipapa-deport nya sa Pilipinas si Gerald.
Green card holder sa US si Ai Ai. At bilang mister niya si Gerald ay pinitesyon niya ito para magkaroon din ng green card.
Pero on process pa ito at pwede takagang i-revoked ito ni Ai Ai since siya ang nagpetisyon kay Gerald.
Wala naman daw plano si AiAi na gawin ‘yun. Although nu’ng umpisa, sa bwisit niya ay naisip din ito na gawin ni Ai Ai.
Lastly, ni-reveal ni AiA Ai na may prenup agreement sila ni Gerald bago ikinasal. Julie Bonifacio