Home HOME BANNER STORY Kondisyon ni Quiboloy ‘di nakamamatay – abogado

Kondisyon ni Quiboloy ‘di nakamamatay – abogado

MANILA, Philippines – Hindi nakamamatay ang kondisyon ng self-appointed son of God na si Apollo Quiboloy matapos na dalhin sa ospital dahil umano sa hearth condition.

Ito ay ayon sa legal counsel ng lider ng Kingdom of Jesus Christ matapos na kumalat ang mga usap-usapan patungkol sa kalusugan ng nakulong na si Quiboloy.

Ipinaliwanag ni Attorney Israelito Torreon na ang “irregular heartbeat” ni Quiboloy ay mula sa aktibong lifestyle nito.

“He used to play basketball a lot, he has an athlete’s heart. And at times when he becomes sedentary all of a sudden, then it has an effect on his physical constitution,” ani Torreon.

“That is why we have been requesting for a medical furlough so that he’s entire physical constitution can be check by the medical authorities,” dagdag pa.

Dumaing si Quiboloy ng chest discomfort noong Nobyembre 7, dahilan para suriin siya ng PNP General Hospital, ayon kay national police spokesperson BGen. Jean Fajardo.

Agad na naghain ang kampo ng self-proclaimed appointed son of God sa petisyon para sa medical furlough.

Sa kautusan ng korte sa Pasig, dinala si Quiboloy sa Philippine Heart Center noong Nobyembre 8.

“We would like to clarify that while it may be true that he has an irregular heartbeat, it is not life threatening,” sinabi ni Torreon.

“And he also developed cough, inuubo siya and this is probably because of the poor ventilation in his detention cell. And ‘yung CR niya, de-buhos pa e,” dagdag pa nito.

Iginiit ni Torreon na si Quiboloy, sa edad nitong higit 70-anyos, ay nahihirapan na maglinis ng kanyang sariling inidoro.

Humiling na ang kampo ni Quiboloy sa Philippine National Police (PNP) na payagan ang ilang gadget na ilagay sa loob ng detention cell nito para mapabuti ang kanyang bentilasyon.

Humihirit ng hospital o house arrest si Quiboloy dahil sa pre-existing medical condition nito ngunit tinanggihan ng korte ang kahilingang ito.

Ayon kay House Assistant Minority Leader at Gabriela Rep. Arlene Brosas, ang hospitalization ni Quiboloy ay “a clear display of double standards in our justice system.”

“While Quiboloy, who faces grave charges of sexual abuse of minors, easily gets medical furlough extensions, many political prisoners with severe illnesses are left to suffer or die in jail without proper medical attention,” ayon pa sa pahayag ni Brosas.

Si Quiboloy ay na-detain dahil sa qualified human trafficking at sexual abuse charges. RNT/JGC