Home ENTERTAINMENT Ai Ai, ibinida ang manang lupa!

Ai Ai, ibinida ang manang lupa!

Manila, Philippines- Masarap pagmasdan ang subject sa bagong video na ipinost ni Ai Ai de las Alas sa kanyanv social media account.

Nope, hindi po ‘yon putahe mula sa kanyang recipe.

O bread/pastry na kanyang bineyk mula sa natutunan niyang pinag-enrolang culinary school.

Siret? Ang lupain na minana niya mula sa kanyang biological mother!

Ai Ai grew up with two mothers–Gloria na tunay niyang ina at Justa, her adoptive mom.

Noon pa pangarap ng Comedy Queen na magkaroon ng kubo na malapit sa simbahan.

Bale ba, ang mas ikinaganda ng lupain na ‘yon ay ang mga tanim na bouganvillea na iba’t iba ang kulay at may mga rosas pa!

Just an ideal vacation spot where you can commune with nature.

May mga nag-suggest na gawin niya itong retreat house.

Mukhang sold si Ai Ai sa idea of converting it into a retreat house to help the downtrodden ones get emotionally relieved.

Maganda nga namang prayer house ito na maaaring puntahan pag Semana Santa.

Tatawagin daw ‘yon ni Ai Ai na Mountain of Glory, named after her Inay Gloria. Ronnie Carrasco IIi