Home NATIONWIDE P75B clean energy projects aprub sa BOI

P75B clean energy projects aprub sa BOI

MANILA, Philippines – Binigyan ng green lane certification ng Board of Investments nitong Huwebes, Pebrero 27, ang apat pang renewable energy projects sa bansa, marka ng P75 bilyong halaga ng bagong investments sa clean energy ventures sa ilalim ng programa.

Ipinresenta ni Trade Undersecretary at BOI Managing Head Ceferino S. Rodolfo ang mga certificate sa mga opisyal ng Vena Energy officials noong Enero 22.

Ang mga certificate ay iginawad sa tatlong Vena Energy business units. Ito ay ang Opus Solar Energy Corp., Gemini Wind Energy Corp., at Ixus Solar Energy Corp.,

Partikular dito ang mga certificate para sa
416.025 MWp (Megawatt-Peak) Opus Solar Power project ng Opus Solar Energy Corp, 200MW (Megawatt) Gemini Wind Power Project ng Gemini Wind Energy Corp., 301.392 MWp Aguilar Solar Power Project, at 473.616p MW Ixus Bugallon Solar Power Project ng Ixus Solar Energy Corp.

“With a combined investment of approximately P75 billion, these projects will be developed across Luzon and Visayas, creating up to 8,000 direct job opportunities during their construction, commissioning, operation, and maintenance,” saad sa pahayag ng BOI.

Hanggang noong Pebrero 19, sinabi ng BOI na nakapagrehistro na ito ng 184 proyekto sa ilalim ng green lane program.

Ang mga proyektong ito ay may overall investment value na P4.614 trilyon.

Matatandaan na inilunsad ng pamahalaan ang green lane program sa ilalim ng Executive Order No. 18 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Pebrero 2023.

Layon ng programa na pabilisin at padaliin ang pag-apruba ng pamahalaan at ang registration processes para sa mga investment na tinukoy bilang priority o strategic. RNT/JGC