MANILA, Philippines – Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Muntinlupa City ang isang Korean national na nahaharap sa kaso sa kanilang bansa.
Ayon sa NBI, nahaharap ang banyaga sa mga kaso dahil sa umano’y paglabag sa mga batas ng Korea, katulad ng Korean National Sports Promotion Act, Criminal Act, at Act on the Regulation of Punishment for Concealment of Criminal Proceeds.
Batay sa provisional arrest warrant na inilabas ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 173, sinabi ng NBI na pumunta ang mga ahente nito sa Bureau of Immigration Warden Facility sa Taguig City kasunod ng pagkakaaresto sa dayuhan.
Sinabi ng NBI na ang dayuhan ay dinala sa NBI-International Operations Division para sa standard booking procedures.
Kalaunan ay inilipat siya sa NBI Detention Center sa Muntinlupa City. Jocelyn Tabangcura-Domenden