Home NATIONWIDE P1.6M ismagel na sigarilyo nasabat sa Palawan

P1.6M ismagel na sigarilyo nasabat sa Palawan

MANILA, Philippines – Kinumpiska ng mga awtoridad ang hinihinalang smuggled na sigarilyo na nagkakahalaga ng P1.6 milyon sa Palawan, sinabi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nitong Biyernes, Pebrero 28.

Iniulat ng CIDG na naharang ng mga awtoridad ang isang panel truck na nagbibiyahe ng 100 master cases ng sigarilyo.

Sa kabila nito, walang plaka ang sasakyan at hindi nakapagpakita ang drayber ng kaukulang dokumento para sa mga sigarilyo.

Kinilala lamang ang drayber bilang si “Joey” na naaresto umaga ng Miyerkules, Pebrero 26.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.

Samantala, idinagdag ng CIDG na ang mga nakumpiskang sigarilyo ay hindi rin sumusunod sa Graphic Health Warnings Law. RNT/JGC