Home ENTERTAINMENT Ai Ai, may ‘banta’ sa 2025!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ai Ai, may ‘banta’ sa 2025!December 12, 2024 14:21 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Sa MMFF 2025 na babawi si Ai Ai de las Alas.Ito ang tiniyak niya dahil ilang taunang film festival na rin ang hindi niya sinalihan.Ito’y bilang tugon din sa public clamor na bumida sa isang level-up na comedy flick next year.Sa katunayan, nakipagpulong na raw siya sa kanyang team.Ewan kung ito ‘yung sequel ng kanyang blockbuster hit na Tanging Ina.Unless she buys the rights from Star Cinema, tila malabong gawin ito ni Ai Ai.Pero puwede rin namang collab between the original ptoducer and GMA Pictures.One thing’s for sure though, tiniyak ng Comedy Queen na may aabangan siyang teleserye sa 2025.Bukod pa ito sa aabangan ding series of concerts niya here and abroad.Nasa Amerika siya for a string of shows in January.By April 2025 ay nasa Canada naman siya.In between, aligaga si Ai Ai sa pagtulong sa all-male group ng mga mang-aawit mula sa Dasmariñas, Cavite.Named Outcast, bumilib si Ai Ai sa mga awitin ng grupo which speak about children’s love for their parents, most especially for their mothers.Hindi naman daw siya ang manager ng Outcast pero ikinaantig daw ng puso ng komedyana ang awitin nilang ‘Wag Kang Mag-alala, Mama.Relate much daw si Ai Ai. Ronnie Carrasco III