Home ENTERTAINMENT Ai Ai, may emote sa karma!

Ai Ai, may emote sa karma!

Manila, Philippines- Pinangatawanan ni Ai Ai de las Alas ang hindi na pagsasalita tungkol sa estranged husband niyang si Gerald Sibayan.

At a recent event kung saan nag-eendorso siya ng banko, the Comedy Queen made true her promise never to talk about their separation.

Ito naman kasi ang binitiwang pangako during her guesting on Fast Talk with Boy Abunda noong mismong 60th birthday niya last November 11.

Kunsabagay, the less she talks about it, mas mabilis makakapag-move on ang komedyana.

Sa ngayon, Ai Ai has begun charting a new chapter in her life.

Nito lang bago mag-mid-December, the comedienne hosted a traditional holiday get-together for close college chums.

Binisita namin ang Facebook wall ng isa naming friend.

Splashed were still photos and videos taken at the carport of Ai Ai’s Quezon City residence.

As always, hindi nawawala ang videoke singing.

Along with two other female friends na hiwalay rin sa kani-kanilang mga asawa, kinanta sila habang umiindak sa saliw ng danceable tune na All the Single Ladies.

Mapapansing panay tawa si Ai Ai habang nakikipag-apiran sa dalawang tropa.

Kung pagmamasdan, Ai Ai exuded no trace ng katiting na kalungkutan.

Isang common friend na may hawak na mikropono went near the trio, sabay anunsyong: “Kaya kayo hinihiwalayan ng mga asawa n’yo, eh!”

Hagalpakan ng tawa ang mga naroon, with Ai Ai and company realizing there’s some funny truth to it.

Since wala na ngang mapiga kay Ai Ai, idinaan na lang niya sa post ang kanyang emote.

In witty fashion, ang karma aniya ay parang utang.

Pag pinagbayaran mo, laging may interes!

Apir! Ronnie Carrasco III