Home ENTERTAINMENT Ai Ai, nag-resign sa trabaho sa Amerika!

Ai Ai, nag-resign sa trabaho sa Amerika!

California, USA – Dalawang taon ding nagsilbing activity director si Ai Ai de las Alas sa isang elderly facility sa San Francisco, USA.

Pero labag man sa kanyang kalooban, kinailangang magbitiw ng Comedy Queen.

Bukod kasi sa napamahal na siya sa kanyang trabaho’y napalapit din si Ai Ai sa mga residente roon.

Pero sa kanyang pag-alis, bitbit ng komedyante ang mahalagang aral na kanyang natutunan.

Sinadya niya kasing hindi magpaalam sa mga residente roon para maiwasang mabahiran ng kalungkutan ang kanilang paghihiwalay at magkaiyakan sila.

Nais ibahagi ni Ai Ai ang pagpapahalaga na dapat nating ginagawa sa ating mga magulang lalo na sa ating mga magulang na lalo pa’t may edad na sila.

At ‘yun ay ang alagaan sila sa abot ng ating makakaya.

O ‘fi kaya’y bantayan sila kung hindi posibleng maalagaan sila ng personal.

Nakahanap naman ng fallback si Ai Ai now that she’s not connected with the elderly facility.

Siya ngayon ang COO o Chief Operating Officer ng MC Aesthetics International.

Ayon sa may-ari nito na kumumbinsi sa komedyana, taglay raw ni Ai Ai ang mga katangian para ipalaganap ang skin care sa pamamagitan ng mga produkto nito.

Nagpasalamat naman si Ai Ai kay Marlou Colina dahil ang produkto ng MC Aesthetics International ang nakapagpagaling ng kanyang psoriasis.

Inamin ng komedyana na 15 taong gulang pa lang siya noong pinoproblema niya ito.

Bukod sa pagiging C00 ng naturang kumpanya, kasama ring haharapin ni Ai Ai ang kanyang showbiz career.

Magiging madalas nga lang ang pagpunta niya sa US dahil sa mga natanguan niyang shows doon.

Katatapos lang ni Ai Ai na magtanghal sa Portland, Oregon para sa Filipino community.

Aside from the US, may scheduled show rin si Ai Ai sa iba’t ibang bahagi ng Canada. Ronnie Carrasco III